^

Police Metro

P20 rice program ng DA pinalawak sa maraming KADIWA centers

Angie dela Cruz - Pang-masa
P20 rice program ng DA pinalawak sa maraming KADIWA centers
Rice retailers unload newly delivered P38 per kilo Kadiwa ng Pangulo rice at the Kamuning Market in Quezon City on February 3, 2025.
Michael Varcas / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Bilang katuparan sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang pagkain sa mas mara­ming bilang ng mga Pilipino ay pinalawak ng Department of Agriculture (DA) ang P20 per/kilo rice program sa mas maraming KADIWA centers.

Matapos ilunsad ang subsidized rice program sa 12 KADIWA centers noong Martes, isang araw matapos ang May 12 midterm elections, dalawampung dagdag na centers ang binuksan sa Metro Manila, Bulacan,Cavite, Laguna, Mindoro at Rizal at nagsimulang magbenta ng P20 per kilo ng bigas nitong Huwebes.

Sa kasalukuyan, ang mga benepisyaryo ng P20 rice program ay pinapayagang makabili ng hanggang 30 kilo ng bigas kada buwan.

Ang bigas na ibinebenta sa KADIWA centers ay mula sa National Food Authority (NFA) na bumibili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa presyong mas mataas kaysa sa mga pribadong trader at tinitiyak ang mas magandang kita para sa mga magsasaka.

Karamihan sa mga KADIWA center ay bukas na ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, Huwebes hanggang Sabado.

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with