Pinakamataas na voter turnout sa 2025 midterm elections naitala
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa isang pulong balitaan sa Manila Hotel Tent City na nakapagtala sila ngayong 2025 ang pinakamataas na voter turnout para sa isang midterm elections sa bansa.
Ayon kay Garcia, ang kabuuang bilang ng mga bumoto sa katatapos na midterm polls ay nasa 81.65%.
Aniya pa, ito na ang pinakamataas na voter turnout para sa isang midterm polls, sa buong kasaysayan ng Comelec.
Sinabi pa ng poll chief na ang pagtaas ng voter turnout ay bunsod nang pagdagsa ng mga kabataang botante, tulad noong 2022 polls.
Halos kahalintulad din aniya ito nang naitalang turnout sa 2022 presidential polls, na nasa 82.5%.
- Latest