Local at national candidates inatasan na ideklara ang ‘di nagamit na campaign contributions - BIR
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng local at national candidates sa nagdaang eleksyon na ideklara ang kanilang hindi nagamit na campaign funds.
Ayon kay BIR Commisioner Romeo Lumagui, wala silang nakikitang problema kung nais ng mga kandidato na itabi ang sobrang campaign funds hangga’t magbabayad ang mga ito ng kaukulang income tax.
Bago nagsimula ang kampanya noong Marso, inilatag na ng BIR ang mga regulasyon kabilang ang limang porsyentong creditable income tax sa mga gastos ng lahat ng mga kandidato.
“Lahat ng mga tumatakbo, mga kandidato, mga political parties, at ang mga partylist kinakailangan nilang mag-rehistro sa BIR kung sila ay tumatanggap ng mga contributions at gumagastos sa kanilang kampanya at kinakailangan na mag-rehistro ‘yan at kinakailangan ‘pag nagbabayad sila sa kanilang mga suppliers ay kinakailangan nilang mag-withhold ng 5% dun sa kanilang suppliers”, wika ni Lumagui.
Sakaling mabigo ang mga kandidato na gawin ito, papatawan ang mga ito ng parusa at maaaring kasuhan ng tax evasion.
- Latest