^

Police Metro

Mag-lover tinodas sa boarding house

Joy Cantos - Pang-masa
Mag-lover tinodas sa boarding house
Sa ulat ng Davao City Police, ang babaeng biktima na isang security guard ay kinilala lamang sa palayaw na Joy. Kasalukuyan ­namang ­inaalam ang pagkaka­kilanlan sa lalaking ­kasama nito sa kuwarto.
STAR / File

Binoga sa ulo

MANILA, Philippines — Isang babae at isang lalaki na ­hinihinalang mag-lover ang kapwa natagpuang patay ­dahil sa tama ng bala sa ulo sa loob ng kanilang ­boarding house sa Brgy. Castillo, Davao City, kamakalawa.

Sa ulat ng Davao City Police, ang babaeng biktima na isang security guard ay kinilala lamang sa palayaw na Joy. Kasalukuyan ­namang ­inaalam ang pagkaka­kilanlan sa lalaking ­kasama nito sa kuwarto.

Base sa pahayag sa pulisya ng mga kasamahang boarder ni Joy nakarinig sila ng mga putok ng baril sa loob ng kuwarto.

Agad namang inireport ng mga boarder sa pulisya ang insidente at ng pasukin ang kuwarto ng nasabing security guard ay dito na ­tumambad sa kanila ang bangkay ng dalawang biktima.

Ang mga biktima ay kapwa may tama ng bala sa ulo at narekober rin  ang isang 9 MM pistol sa tabi ng mga ito, mga basyo ng bala at mga personal na kagamitan.

Sa pagsusuri sa kuha ng CCTV ay makikita ang pagpasok ni Joy sa kuwarto nito at kasunod ang nasabing lalaki.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito at inaalam na rin ang posibilidad na murder-suicide ang insidente.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang tunay na relasyon ng babaeng guwardiya at lalaking kasama nito upang mabigyang linaw ang insidente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with