Marcos kuntento sa resulta ng midterm election

MANILA, Philippines — Kuntento umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pangkalahatang resulta sa katatapos na midterm elections kahit na hindi nanalo ang lahat ng kandidato ng administrasyon.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na iginagalang ng Palasyo ang mga pinili ng botante na nais nilang magsilbi sa bansa at sa mamamayan.
Ang iba aniyang ibinoto at nanalong kandidato ay mayroong sariling dignidad at mayroong sariling paniniwala para magsilbi sa taumbayan.
Sa kabila na anim lamang sa mga kandidato sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang nahalal, sinabi ni Castro na naniniwala ang Palasyo na malaki pa rin ang suporta ng taumbayan sa administrasyon, patunay aniya ang mataas na trust rating ng presidente sa huling survey.
“Naniniwala ang Pangulo na malaki pa rin ang suporta ng taumbayan sa administrasyon, tandaan natin ang huling survey ay nagpapakita ng mataas na trust rating,” dagdag ni Castro.
- Latest