Comelec sa mga kandidato: Campaign materials, dapat nang tanggalin hanggang Mayo 17

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na hanggang Mayo 17 (Sabado) lamang ang ibinigay nilang palugit sa mga kandidato upang tanggalin ang lahat ng kanilang campaign materials na ginamit elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, kabilang sa mga dapat tanggalin ng mga kandidato ay ang mga election posters at paraphernalia, gayundin ang mga ginamit nilang social media contents.
Kaugnay nito, nagbabala si Laudiangco na ang mga kandidatong mabibigong magtanggal ng campaign materials, ay maaaring maharap sa election offense.
“Ayon sa ating resolution na implementation ng ating Fair Elections Act, they have five days to remove their campaign materials and that includes their posts on social media kung direktang campaign material,” ani Laudiangco.
“It will be deemed as an election offense. Hindi man po mahabol pa ng disqualification, sabihin na natin wala ng time mag-file, meron pa rin naman pong election offense case,” dagdag pa niya.
Ipinaliwanag din naman niya na ang sinumang kandidato na mako-convict sa anumang election offenses ay maaaring maharap sa diskuwalipikasyon.
- Latest