Mga nagwaging kandidato na ‘obstructionist’ lalabanan - Palasyo
MANILA, Philippines — Kahit hindi pa man nagsisimulang magtrabaho ang mga nanalong kandidato ay tila nagbabala na ang Malacañang na lalabanan ang mga “obstructionist” na nahalal sa katatapos na midterm elections.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawat isa sa mga nahalal sa puwesto ay tutugon sa pangangailangan ng taumbayan at hindi para sa iilang interes lamang.
Welcome aniya sa Pangulo ang mga nanalong kandidato sa katatapos na midterm elections at hangad na magkaisa upang tugunan at lutasin ang mga problema at pangangailangan ng taumbayan.
Sinabi ni Castro na inaasahan na ng administrasyon ang presensya ng lehitimong oppositionists pero lalabanan ang mga “obstructionist” na nagtatago bilang oposisyon na pansarili lamang ang kanilang ilalaban.
“Obstructionist, walang gagawin kundi manira, walang nakikitang maganda sa gobyerno at ang sariling interes lamang ang gustong palaguin,”dagdag ni Castro.
Kapag gagawa aniya ng fake news o kung ano anong balita ang mga obstructionist na maaring makasira sa gobyerno nang walang basehan, ito ay tutugunan kaagad.
- Latest