PNP naka-full alert status pa rin
Hanggang sa maiproklama na ang lahat ng nanalo…
MANILA, Philippines — Hindi titigil sa pagbabantay ang Philippine National Police (PNP) hanggang sa pormal nang maiproklama ang lahat ng mga nanalo sa nakalipas na halalan.
Ito ang inihayag ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil kasunod ng mga naitatalang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa eleksyon.
Sa pinakahuling datos alas-8:00 ng gabi nitong Lunes ay nakapagtala sila ng 52 insidente ng karahasan sa buong bansa kung saan, pinakamarami rito ang pamamaril na nasa 12.
Habang nasa 26 namang mga naitalang insidente ang hinihinalang may kaugnayan sa eleksyon kung saan, 7 rito ang naisama sa violent category habang nasa 19 naman ang kabilang sa non-violent category.
Bagaman idineklarang Generally Peaceful ng PNP ang mismong araw ng halalan sa kabila ng mga naitalang insidente, mananatili naman ang full alert status upang tiyakin na mapipigilan pa rin ang mga magtatangkang maghasik ng karahasan.
- Latest