Higit 300 ACMs, nagkaaberya - Comelec

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na nagkaaberya sa kasagsagan nang pagdaraos ng May 12 midterm elections kahapon ang tinatayang nasa higit 300 automated counting machines (ACMs).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kalimitan sa naging problema ng mga makina ay ang pag-reject nito ng mga balota at nasa 311 ang mga ACMs na naitala nilang nagkaaaberya sa katatapos na halalan.
Ayon kay Garcia,ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa 2,500 na ACMs na kaagad na nagkaaberya sa pagdaraos ng 2022 presidential elections.
Naging isyu rin ang mga takip ng mga ACMs, scanner nito, screen, at iba pa.
Tiniyak naman ni Garcia na kaagad nilang pinalitan ang mga naturang nagkaaberyang ACMs para mas mapabilis ang pagdaraos ng halalan.
- Latest