^

Police Metro

Mother’s Day murder: Misis hinataw sa ulo ni mister

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kamatayan ang naging regalo ng isang mister sa kanyang misis sa mismong araw ng ‘Mother’s Day’ matapos niyang hatawin ng kahoy sa ulo sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Riverside, Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.

Ang biktima na ­nasawi dahil sa tinamong mga grabeng sugat sa ulo ay kinilalang si “Hilda”, 52, habang tumakas naman ang suspek na si “Diony”, 58, obrero.  

Sa ulat ni PEMS Leo Ognayon, may hawak ng kaso, bago naganap ang krimen, alas-8:30 ng gabi ay ipinagdiriwang ng mag-asawa ang “Mothers Day “ sa pamamagitan ng pag-inom ng alak.

Sa gitna nang kanilang pag-iinuman ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa sa hindi pa malamang kadahilanan at dito ay kumuha ng kahoy ang mister at sunud-sunod na hinataw sa ulo ang misis sanhi na duguang bumulagta.

Matapos na isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek at iniwan ang duguang misis.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen kasabay ng pagsasampa ng kasong parricide laban sa mister.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with