90% voter turnout para sa local absentee voting (LAV), naitala
MANILA, Philippines — Umabot sa 90% ang voter turnout sa idinaos nilang local absentee voting (LAV) para sa May 12 midterm polls ang naitala ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Director Atty. Allen Francis Abaya, nasa 51,991, mula sa kabuuang 57,000 na nagpatalang local absentee voters ang bumoto para sa LAV.
Ani Abaya, ang LAV voters ngayong taon ay mas mababa kumpara sa 2022 presidential elections.
Gayunman, inaasahan na aniya nila ito dahil mas marami talagang bumuboto sa pampanguluhang halalan sa bansa.
Sa kabila nito, mas mataas naman aniya ang bilang ng mga bumoto ngayong midterm polls, kumpara sa 2019 midterm polls.
Matatandaang ang local absentee voting ay idinaos mula Abril 28, 29 at 30 ngunit sinimulan lamang bilangin ang mga naturang boto ganap na alas-6:00 ng umaga kahapon, election day, sa pamamagitan ng automated counting machines (ACMs).
- Latest