^

Police Metro

Bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong araw

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapatupad muli ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng ­langis sa bansa epektibo ngayong araw.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa ­bansa na ­pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, ­Total Philippines, ­Unioil, ­Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P0.30 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel, at P1.25 naman sa kada litro ng kerosene na ­magiging epektibo alas-6:00 ngayong umaga.

May oil price rollback din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo ng alas-8:01 ngayong umaga.

Ang ipatutupad na rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lang nakaraang ­Martes ay nagpatupad ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.55 sa kada litro ng gasolina, P0.65 sa kada litro ng diesel, at P0.90 naman sa kada litro ng kerosene.

OIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with