Lolo inatake sa puso sa loob ng voting precinct, dedo

MANILA, Philippines — Isang 65-anyos na lolo ang nasawi matapos umano atakihin sa puso habang nasa loob ng voting precinct sa Oas South Central School, Albaynitong Lunes ng umaga, Mayo 12.
Kinilala ng pulisya ang botante na si Nestor Rensales, na bumagsak sa loob ng polling precinct sa Oas South Central School sa Barangay Ilaor Sur, alas-6:05 ng umaga.
Napag-alaman ding limang taon na raw nakakaranas ng pagka-stroke ang biktima na posible umanong na-trigger bunsod ng init at pagpila sa pagboto.
Sinubukan pang dalhin sa Ligao City Hospital ang senior citizen ngunit binawian na siya ng buhay.
- Latest