Navy nagdeploy ng warships sa Sulu, Basilan
MANILA, Philippines — Nagdeploy kahapon ang Philippine Navy ng mga warships sa karagatan ng Sulu at Basilan para umano tumulong sa pagpapanatili ng seguridad at malinis na botohan at canvassing ng mga boto.
Sinabi ni Captain Genesis Dizon, spokesperson ng Army’s 11th Infantry Division (ID) ang idineploy na mga warships ay isinailalim sa operational control ng Joint Task Force (JTF) Orion na may misyong tumulong sa pangangalaga ng kasagraduhan ng halalan.
Kabilang dito ay ang BRP General Mariano Alvarez (PS 176), BRP Juan Magluyan (PC392) at Boar Attack 485 na may lulang mga Navy Seals.
Binigyang diin nito na ang hakbang ay nagpapakita ng krusyal na papel ng Philippine Navy para sa mabilis na aksiyon, logistical support partikular na sa mga isolated na mga lugar sa hurisdiksyon at responsibilidad ng AFP- Western Mindanao Command.
Aniya, sa pamamagitan ng istratehikong presenya ng mga naval assets ng AFP ay makakatulong ito sa pagpapalakas ng kapabilidad para masupil ang anumang banta ng karahasan at mapanatili ang kapayapaan sa buong panahon ng eleksiyon, canvassing at pagpoproklama ng mga magwawaging kandidato.
- Latest