2 poll watcher na nag-shade ng balota kakasuhan ng Comelec
MANILA, Philippines — Sinibak na ay mahaharap pa sa kaso ang dalawang election watchers na naaktuhan sa isang video na siyang nagsi-shade ng balota ng mga botante sa isang polling precinct sa Abra, sa kasagsagan ng halalan para sa May 12 midterm polls kahapon.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia nakarating sa kanilang kaalaman na isang Facebook video kung saan makikita ang dalawang election watchers, na isang lalaki at isang babae, habang siyang nagsi-shade ng balota ng mga botante.
Sa nag-viral na video na ipinaskil sa Facebook ng isang Joy Bernos, maririnig ang isang babae na nagre-report hinggil sa insidente.
Kahit naman nagre-report na ang babae at ibini-video ang insidente ay tuloy pa rin ang mga naturang poll watchers sa pag-shade sa balota ng mga botante.
Iniulat din naman nito ang presensiya ng election paraphernalia sa loob ng voting precinct na makikita siyang kinukopya sa pagboto.
- Latest