^

Police Metro

2 senior todas, 10 sugatan sa stampede

Joy Cantos - Pang-masa

Sa poll watchers payout

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizen ang nasawi habang 10 pang katao ang nasugatan nang magkaroon ng stampede sa umano’y pamimigay ng bayad para sa mga poll watcher sa Zamboanga City.

Kabilang sa nasawi ang isang 80-anyos na babae at isang 65-anyos na lalaki na kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga City Medical Center matapos mawalan ng malay sa gitna ng masikip na patitipon, na inilarawan na “severely overcrowded”. Habang kasalukuyan namang ginagamot ang 10 sugatan.

Batay sa mga ulat, nangyari ang stampede sa orientation meeting ng mga poll watchers na ginanap sa Royce Convention Center sa Grand Astoria Hotel sa Barangay Zone 2.

Dumagsa umano ang mga tao sa naturang lugar matapos kumalat ang balitang mamimigay ng pera o ayuda.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with