^

Police Metro

Lahat ng survey dinomina ni Bong Go

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinomina ni ­Senator Christopher “Bong” Go ang halos lahat ng pinakabagong survey para sa mga tumatakbong senador matapos niyang maisemento ang pangunguna sa mga ito.

Sa pinakahuling 2025 Pulse Asia senatorial preference ­survey, hindi natinag si Go sa unang puwesto, kung saan ay 62.2 porsiyento ng respondents ang nagsabing siya ang kanilang iboboto kung ngayon na gaganapin ang halalan.

Sa Arkipelago ­Analytics survey na isinagawa mula Abril 26 hanggang Mayo 1, si Senador Go ay niranggo bilang Numero 1 sa nakuhang 63 porsiyento ng respondents na nagsabing iboboto nila siya.

Gayundin, ang survey ng Tangere na isinagawa mula Abril 29 hanggang Mayo 3 ay nanguna si Go, 62.8 porsiyentong suporta ng mga botante.

Si Go, kasalukuyang tagapangulo ng Senate Committee on Health, ay lubos na pinasalamatan ang mga Pilipino sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa kanya.

SURVEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with