Romualdez pinulong higit 100 kongresista para ipanalo ang ‘Alyansa’ bets

MANILA, Philippines — Mahigit 100 kongresista ang pinulong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang isulong ang pagkakaisa sa pagsuporta sa 11 senatorial candidates ng Alyansa.
Bilang pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), iginiit ni Speaker Romualdez sa pagtitipon na ginanap sa Imelda Hall, Aguado Residence sa Malacañang, ang kahalagahan na magkaisa upang ipanalo ang mga kandidato ng Alyansa sa Senado.
“We need to put extra effort into our Alyansa candidates. As I’ve said in many of our gatherings, we must vote straight Alyansa. We have to go that extra mile for them, and that’s why we’re here,” ani Speaker Romualdez, isang abogado mula sa University of the Philippines (UP), sa kanyang mga kapwa mambabatas sa isang luncheon meeting. “
Ayon kay Speaker Romualdez, sumasalamin ang senatorial lineup ng Alyansa sa mga layunin ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos—mga kandidatong hindi lamang may kakayahan at karanasan kundi tunay ding mga lingkod-bayan na nauunawaan ang pangangailangan ng reporma. “These are men and women who will stand by the President as he steers the country forward. They are not just allies in name, but true partners in nation-building,” ani Speaker Romualdez.
- Latest