A Teacher partylist umani ng atensyon sa mga botante
MANILA, Philippines — Dahil sa mga programang naglalayong magbigay ng tunay na suporta sa mga mahihirap, lalo na sa mga mahihirap na magsasaka at estudyante sa bansa ay umani ng atensyon sa mga botante ang A Teacher partylist.
Kaya nagbabala si A Teacher partylist nominee na Virginia Rodriguez sa mga botante na maging maingat at mapanuri sa kanilang mga pipiliing kandidato sa halalan, dahil ang kinabukasan ng bansa at sa kanilang mga pamilya ang nakasalalay sa kanilang mga desisyon.
Ang A Teacher lamang ang tanging partylist na aktibong bumababa sa mga ordinaryong tao at nagsasagawa ng door-to-door campaign upang personal na magbigay ng tunay na serbisyo publiko at maihatid ang mga programa kapaki-pakinabang sa nakararaming mahihirap sa bansa.
Inilatag din ni Rodriguez ang iba’t ibang mga programa kabilang ang mga Food Caravan at mga feeding programs sa mga paaralan at mga Barangay na naging daan upang makapaghatid ng libreng pagkain sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa atin bansa.
- Latest