4 Chinese arestado sa P1.7 milyong smuggling ng puting sibuyas

MANILA, Philippines — Apat na Chinese national na sangkot sa smuggling ng P1.7 milyong puting sibuyas ang naaresto ng mga operatiba ng PNP-Crimidnal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Laug, Mexico, nitong Miyerkules.
Sa report na tinanggap ni P/Major Gen. Nicolas Torre III, Director ng PNP-CIDG, kinilala ang mga nasakoteng Chinese sa mga alyas na “Shengren”, “Jialong”, “Wei” at “Dewen”.
Ayon sa PNP-CIDG, nakumpiska sa mga suspect ang dalawang trailer trucks na may 40 footer shipping containers noong nakalipas na Sabado sa isang bodega sa Brgy. Laug sa bayan ng Mexico.
Sinabi ng mga operatiba na ‘misdeclaration’ ang ginawa ng mga suspect matapos na ideklarang ang kanilang produkto ay ‘chicken karaage strips’ o Japanese fried chicken’ pero ng inspeksiyunin ang mga produkto ay nadiskubreng mga puti itong sibuyas na illegal na ipinasok sa bansa.
Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos arestuhin ng mga operatiba sa pagkakasangkot ng mga ito sa illegal na aktibidades.
- Latest