TOL swak sa Magic 12 ng Pulso ng Pilipino survey
MANILA, Philippines — Nasambot ni reelectionist Senator Francis ‘Tol’ Tolentino ang ika-8-9 na puwesto sa pinakabagong Pulso ng Pilipino senatorial survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The Center) mula Abril 11-15 at 19-22, 2025.
Ang kagustuhan ng botante kay Tolentino ay nakatindig sa 37.5 porsyento, kumakatawan sa malaking 4.1 porsyentong pagtalon mula sa nakaraang survey, kung saan nakakuha siya ng 33.4 porsyento ng mga boto.
Si Tolentino na naghahangad ng ikalawang termino sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na suportado ng administrasyon ang nagsiwalat sa pagkakaroon ng mga underwater drone na nagpapadala ng intelligence information sa China para sa paparating na mid-term polls sa bansa.
Hinahangaan din si Tolentino sa paglikha at paglulunsad ng ROTC Games sa bansa kung saan pinagsasama-sama ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa buong bansa sa isang sports discipline. Ang mga kalahok sa ROTC Games ay hindi lamang sa iba’t ibang sports competition, bagkus ay kasama rin sa mga palaro ang academic contests.
Si Tolentino ay tumatakbo sa isang plataporma na naglalayong bawasan ang halaga ng kuryente at internet upang makinabang ang mga ordinaryong mamimili at mag-aaral.
Bilang pangunahing may-akda ng landmark na Philippine Maritime Zones Law (Republic Act 12064), si Tolentino ang nangungunang boses sa paggiit ng mga karapatan sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.
Sa ilalim ng Tolentino Law, pormal na isinumite at tinanggap ng United Nations’ International Seabed Authority noong Marso 27 ang mapa ng Talampas ng Pilipinas, isang malawak at mayaman sa resource undersea landmass na matatagpuan sa eastern seaboard ng bansa.
Ang pinakahuling, non-commissioned Pulso ng Pilipino survey ay nagtanong sa 1,800 respondents sa buong bansa gamit ang multi-stage, area probability sampling (MSAP) at random digital access methodology.
Ang survey ay may margin of error na + 3% at antas ng kumpiyansa na lampas sa 98%.
Nauna nang inamin ni Tolentino na nababahala siya sa pagraranggo sa labas ng Magic 12 sa mga kamakailang survey ngunit nanatili siyang nakatutok sa kanyang kampanya sa pamamagitan ng kanyang mga track record sa Senado.
Unang nahalal na senador noong 2019, si Tolentino ay kabilang sa administration ticket na inendorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
- Latest