^

Police Metro

Beteranong mamamahayag at dating alkalde, pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang beteranong ­mamamahayag at dating alkalde ng Kalibo ang pinagbabaril sa kanyang tahanan sa Casa Dayang, Villa Salvacion, Kalibo, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si  Juan “Johnny” P. Dayang, 89, na idineklarang dead-on-arrival sa Dr. Rafael S. Tumbocon Memorial Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg at likod.

Ayon sa ulat, nanonood ang biktima ng telebisyon alas-8:00 ng gabi nang barilin ng lalaking naka-bonnet mula sa labas ng kanyang tirahan.

Itinuturing si Dayang na haligi ng pamamahayag sa bansa.

Mahigit dalawang ­dekada ­siyang naging pangulo ng P­ublishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) at namuno sa iba’t ibang organisasyon ng mamamahayag. Nagsilbi rin siyang alkalde ng Kalibo noong administrasyon ni Pangulong Cory Aquino.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, at kasalukuyang sinusuri ang CCTV.

Tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo. Wala pang malinaw na motibo.

Mariing kinondena ni PAPI President Nelson S. Santos ang pamamaslang.

“We strongly condemn this ­killing, and we are calling for justice. HINDI niya deserved ang cruel and senseless end.”

Hinimok din niya ang ­Presidential Task Force on Media Security na kumilos agad para mahuli ang mga salarin.

Sinabi ni PNP Spokesman Col. Jean Fajardo, bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) para sa mabilisang ikareresolba ng kaso at ikaaresto ng suspect.   

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with