^

Police Metro

PNP: P5 milyong reward sa ikaaaresto ng nakalalaya pang kidnaper ni Que

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumataginting ng P5-M reward ang alok ng Phi­lippine National Police para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng nakalalaya pang babaeng kidnaper na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Filipino-Chinese trader na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo.

Sinabi ni P/Col. Jean Fajardo, Spokesman ng PNP, inalerto na nila ang kapulisan sa buong bansa para sa ikakaaresto ni Wenli Gong; gumagamit ng mga alyas na “Huang Yanling” at “Kelly Tan Lim”.

Si Gong ay huli umanong namataan sa Boracay Island sa Malay, Aklan noong Abril 21, 2025.

Ayon kay Fajardo si Gong ay sinasabing may malaking papel sa kidnap-slay ni Que.

Sa tala sangkot din si Gong sa iba pang kaso ng kidnapping simula 2023 hanggang 2025 kung saan nahuli ito noong 2024 pero nakapagpiyansa kaya nakalaya.

Si Que, may-ari ng Elison Steel at driver na si Pabillo ay ­dinukot noong Marso 29 habang kumakain sa isang restaurant sa kahabaan ng Macapagal Avenue sa Pasay City.

Ang mga ito ay natagpuang patay noong Abril 9 sa Rodriguez, Rizal.

Sa kasalukuyan, tatlong suspect na ang iprinisinta ng mga otoridad sa kidnapping ni Que na sina David Tan Liao at mga kasabwat nitong Pinoy na sina ­Richard Tan Garcia at Raymart Catequista.

Inihayag ni Fajardo na bagaman itinuro ni Liao ang anak ni Que na si Anson Que na nasa likod ng kidnapping ay wala pa silang matibay na ebidensya ukol dito.

Nabatid na si Alvin, anak ni Que ay kabilang sa mga personalidad na inirekomenda ng PNP sa DOJ para sa preliminary investigation kung saan isinuko na rin nito sa mga imbestigador ang kaniyang cellphone.

KIDNAPPING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with