Benepisyaryo nasawi sa pila ng ayuda

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay habang nakapila ang isang benepisyaryo sa bigayan ng ayuda sa Marikina City noong Lunes.
Hindi na pinangalanan ng Marikina City Police ang 20-anyos na biktima na isang delivery rider.
Batay sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Marikina Sports Complex noong Lunes ngunit nitong Martes ng umaga na lamang ito naiulat sa pulisya.
Nabatid na kasalukuyang nakapila ang biktima sa bigayan ng tulong pinansiyal sa naturang lugar nang sa hindi pa batid na kadahilanan ay bigla na lang itong nawalan ng malay.
Kaagad naman itong naisugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center dakong alas-4:20 ng hapon ngunit nasawi rin dakong alas-9:00 ng gabi.
- Latest