^

Police Metro

Angkas riders kasangga ni Bong Go

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na buo ang kanyang suporta para sa kapakanan, kaligtasan, at kabuhayan ng motorcycle riding community sa ginanap na Angkas Safety Fiesta sa Cainta, Rizal.

Sa pangunguna ni George Royeca ng AngkaSangga Partylist, nagtipon-tipon ang tinatayang 1,000 pinuno na kumakatawan sa iba’t ibang grupo ng riders na binubuo ng motorcycle riding advocates, influencers at iba pang stakeholders.

Pinuri ni Go ang Angkas sa pagbabahagi ng parehong adbokasiya ng pagtataguyod ng kaligtasan sa kalsada habang nagbibigay ng mga makabagong pagkakataon sa kabuhayan at pinahusay na paraan ng transportasyon upang ­iangat ang lipunan.

Binanggit niya ang kanyang mga pagsisikap sa Angkas sa pagsusulong ng kanilang mga adbokasiya kahit noong nagsisimula pa ang ride hailing app.

Ang pangangailanga sa pagsakay sa motorsiklo ay tumaas nang malaki dahil sa kanilang affordability at mobility na ngbigay ng isang mahalagang paraan ng pag-commute para sa maraming Pilipino.

Kabilang sa mga hakbang na binigyang-diin ni Go ay ang Senate Bill No. 2555, na nag-aamyenda sa kontrobersyal na “Doble Plaka” Law sa pamamagitan ng pag-aatas ng plaka lamang sa likod ng mga motorsiklo—isang hakbang na inilarawan niyang patas at makatwiran.

Binanggit din niya ang kanyang inihain na SBN 1184, ang Food, Grocery, and Pharmacy Delivery Services Protection Act, na naglalayong higit pang protektahan ang delivery riders mula sa mga hindi patas na gawain tulad ng mga pekeng booking at hindi pagbabayad ng kustomer.

Sinusuportahan din ni Go ang institusyonalisasyon at regulasyon ng motorcycles-for-hire upang matiyak na ang mga sakay at pasahero ay sumusunod sa mga pamantayan sa kaligtasan sa kalsada.

ANGKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with