Tinedyer ni-rape, ginilitan ng lover ng tiyahin
MANILA, Philippines — Hinalay muna bago gilitan sa leeg ang isang tinedyer na babae ng mismong live-in partner ng kaniyang tiyahin sa Brgy. Matilo, Nabunturan, Davao de Oro, ayon sa ulat nitong Martes.
Ang biktimang kinilalang si Angel Ramirez ay natagpuang patay nitong Lunes sa loob ng kaniyang kuwarto na nakabalot ng duguang kumot.
Sa inisyal na ulat ng Davao de Oro Police, ang biktimang tinatayang nasa pagitan ng 14-15- anyos ay ginilitan sa leeg, may mga galos at sugat sa katawan habang duguan din ang kama, dingding at sahig sa crime scene ng abutan ng mga otoridad.
Inaresto naman ng mga otoridad ang suspect na tinukoy lamang sa pangalang Erwin, 27, at isang obrero at live-in partner ng tiyahin ng biktima.
Ayon sa pulisya ang bangkay ng dalagita ay nadiskubre ng isang miyembro ng kanilang pamilya ng pumasok ito sa silid ng biktima.
Sa imbestigasyon bagaman iniimbestigahan pa ang motibo ng pagpatay sa biktima, base sa inisyal na report malakas ang indikasyon na inabuso dahilan duguan ang ari nito.
Agad na naglunsad ng hot pursuit operation ang mga otoridad at nasakote ang suspect dakong alas-12:20 ng madaling araw sa transient resident ng mga manggagawa sa nasabing bayan.
Nahaharap sa kasong rape with murder dahilan hinihinalang planado ang pang-aabuso nito sa biktima na humantong sa pagpatay.
- Latest