BIR nagsampa ng higit P8 bilyong tax evasion cases vs vape businesses

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P8.7 bilyong tax evasion cases ang large-scale illicit vape businesses sa Department of Justice (DOJ) kahapon.
Ayon kay BIR commissioner Romeo Lumagui, Jr. kinasuhan ang mga kompanya na may brand names na Flava, Denkat at Flare dahil sa hindi pagbabayad ng P8.7 bilyong buwis.
Kabilang sa mga criminal charges ang unlawful possession of vape products nang hindi pagbabayad sa excise tax na nakasaad sa Section 263, tax evasion na nasa ilalim ng Section 254, failure to file excise tax returns sa Section 255. Lahat ng ito ay paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997.
Ipinayo ni Lumagui sa mga promoters at advertisers ng 6 vape products na maging responsable at tumalima sa batas para makaiwas sa kaso.
- Latest