Presyo ng petrolyo sisipa muli sa Martes

MANILA, Philippines — Inaasahan na namang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong patapos na ang buwan ng Abril.
Ayon sa abiso ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. may taas na P1.35 kada litro ang kanilang produktong gasolina at nasa 80 sentimos kada litro ang taas sa diesel at kerosene.
Sinasabing ang oil price hike ay dulot ng US sanctions laban sa Iran’s oil shipping network. Alas-6 ng umaga pa lamang ay epektibong ipatutupad na ang taas presyo ng petrolyo ng naturang mga kompanya ng langis. Ngayong darating na Martes, inaasahang ipatutupad ang oil price hike.
- Latest