Tulong sa Pinoy victims sa Vancouver tragedy, tiniyak ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbibigay suporta sa mga biktima at apektado ng trahedya sa “Lapu-Lapu Day Block Party” na ikinasawi ng 11 Pinoy sa Vancouver, British Columbia, Canada.
Inatasan na ng Pangulo ang diplomats at staff sa Vancouver para magbigay tulong sa mga biktima at makipag-ugnayan sa Canadian authorities.
Kasabay nito, nagpahayag din ng pagdadalamhati at kalungkutan ang Pangulo dahil sa nangyaring trahedya at tiniyak na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga biktima.
“I am completely shattered to hear about the terrible incident during Lapu-Lapu Day Block Party in Vancouver BC, Canada,” ayon pa kay Pangulong Marcos.
Kinumpirma naman ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na 11 Filipino ang nasawi sa nasabing trahedya kung saan ang pinakabatang biktima ay 5-taong gulang at ang pinakamatanda ay 65-anyos.
Hawak na rin ng mga otoridad sa Canada ang suspek na umararo sa mga Pinoy na si Kai- Ji Adam Lo at kinasuhan na rin ng 8-counts of second degree murder.
- Latest