^

Police Metro

NPA Commander, 4 pa patay sa encounter

Joy Cantos - Pang-masa
NPA Commander, 4 pa patay sa encounter
Ayon kay Col. Erwin Rommel Lamzon, Spokesperson ng Army’s 3rd Infantry Division (ID), nakaengkuwentro ng tropa ng Army’s 47th, 11th at 15th Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde mula sa nalalabing puwersa ng Komiteng Rehiyon ng NCBS (Negros, Cebu, Bohol at Siquijor) West Front.
Interaksyon / File

MANILA, Philippines — Limang rebeldeng New People’s Army (NPA)  kabilang ang isang Commander ang napaslang matapos ang magkakahiwalay na sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at ng komunistang grupo sa Brgy. Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Ayon kay Col. Erwin Rommel Lamzon, Spokesperson ng Army’s 3rd Infantry Division (ID), nakaengkuwentro ng tropa ng Army’s 47th, 11th at 15th Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde mula sa nalalabing puwersa ng Komiteng Rehiyon ng NCBS (Negros, Cebu, Bohol at Siquijor) West Front.

Naganap ang unang bakbakan bandang alas-5:35 ng umaga  sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng mga armadong rebelde na naghahasik ng terorismo sa mga residente sa lugar.

Sinabi ni Lamzon na tinugis ng mga sundalo ang nagpulasan ng takbong mga rebelde at nasundan ang bakbakan sa isang lupang sakahan sa Brgy, Tapi ng nasabing lungsod.

Sa kasagsagan ng bakbakan ay limang rebelde ang napaslang na kinabibilangan ng tatlong amasona o mga babaeng rebelde at dalawang lalaki na kinabibilangan ng isang alyas “Ka Pungkol” na putol ang kanang braso. Si Ka Pungkol, ayon kay Lamzon ay isang Commander ng mga rebeldeng NPA sa rehiyon.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with