Pagbabanta sa social media na nag-trending, nilinaw ni Ben BITAG Tulfo
MANILA, Philippines — Binigyang-linaw ni independent senatorial aspirant Ben Bitag Tulfo na ang kaniyang adbokasiya ay hindi pagbabanta, bagkus ay tagapagtanggol.
Sa isang press conference sa Zamboanga City kamakailan, nagbigay ng babala ang tumatakbong senador sa mga mapang-abuso, manloloko, mapagsamantala at mga pabaya sa tungkulin na ipagdasal nilang huwag siyang lumusot sa Senado.
Aniya, “ipagdasal ninyo na ‘wag akong lumusot dahil kung hindi tapos na ang maliligayang araw ninyo!”
Ang matapang na pahayag na ito ay sagot ni Ben Bitag Tulfo sa katanungan ng isang reporter sa kung ano ang kaniyang adbokasiya laban sa mga mapang-abuso at manlolokong scammers.
Agad naman itong nag-trending sa social media na ginamit ng mga vloggers kung saan lumabas na nagyayabang at nagbabanta umano ang senatorial aspirant.
Dagdag pa ni Ben BITAG Tulfo, ang buong konsteksto ng kaniyang mensahe ay babala para doon sa mga abusado, mapagsamantala, manloloko at pabaya. Hindi para sa mga taong walang mukha, walang boses at mahihina na hindi kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
- Latest