^

Police Metro

Pope Francis hinatid na sa huling hantungan

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pope Francis hinatid na sa huling hantungan
Pope Francis's body lying in state at the Chapel of Santa Marta in Vatican City during the rite of the Confirmation of the Death of the Pontiff on April 21, 2025.
Handout / Vatican Media / AFP

Makapangyarihang mga lider sa buong mundo nagtipon..

MANILA, Philippines —  Nagtipun-tipon ang mga makapangyahirang lider mula sa iba’t ibang panig ng mundo kasama ang mga mahihirap na marginalized ng iba’t ibang lahi sa pag­hatid kay Pope Francis sa kanyang huling hantungan, nitong Sabado ng umaga sa loob at labas ng St. Peter Square, sa Vatican City.

Sinabi ng Vatican na 164 na delegasyon ang nakumpirma, kabilang ang 54 na pinuno ng estado at 12 reigning sovereigns na dumalo sa libing.

Kabilang din si U.S President Donald Trump at Pangulo ng Argentina na si Javier Milei, kasama ang mga royalty, ay nagtipon sa Roma para sa libing ng Santo Papa ng alas-4 ng hapon (oras sa Pilipinas) o alas-10 ng umaga sa ­Vatican City sa Roma.

Si French President Emmanuel Macron, ay kabilang sa mga nakarating sa oras upang magbigay ng huling paggalang sa Santo Papa. Naroon din sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta.

Nabatid na sinimulang buhatin ang kabaong ni Pope Francis bago mag-alas-4:00 ng hapon sa Pilipinas) o alas-10:00 ng umaga ng Sabado, sa Vatican City.

Ang Italian Cardinal Giovanni Battista Re ang naghatid ng homiliya at namuno sa Misa, na dinaluhan ng 220 kardinal at 750 obispo at pari malapit sa altar, at higit sa 4,000 iba pang mga pari pagkatapos ay ililibing ayon sa kanyang kagustuhan sa Basilica ng Santa Maria Maggiore (St. Mary Major), kung saan siya nagkaroon ng espesyal na debosyon.

Nauna rito, sinelyuhan ang kabaong ni Pope ­Francis sa isinagawang pribadong seremonya nitong Sabado ng umaga o Biyernes ng gabi sa Vatican City, bilang paghahanda sa kanyang libing.

Pinangunahan ni Cardinal Camerlengo Kevin Farrell ang liturgical rite, na naganap sa St. Peter’s Basilica at dinaluhan ng ­ilang miyembro ng pamilya ni Pope ­Francis at mga awtoridad ng Vatican. Nagmarka ito sa pagtatapos ng 3-araw na public viewing na dinagsa ng mahigit 250,000 katao.

Ang pagpapalit ng mga guwardiya sa nakabukas na kabaong ni Francis ay hudyat ng pagtatapos ng panahon ng panonood ng pontiff, na inilatag sa pulang damit, isang nakatutok na bishop miter at isang ­rosaryo na nakatali sa kanyang mga kamay, itim na sapatos, kasama ang mga scuff marks sa daliri ng paa.

Namatay ang Papa noong Lunes, Abril 21, pagkatapos na ma-stroke sa edad na 88.

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with