^

Police Metro

Public health agenda sa mga Dabawenyo, inilatag ni Nograles

Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Davao City mayoralty candidate Karlo Nograles na panahon na para higit na pagtuunan ng pansin at buhusan ng malaking pondo ang pagkakaloob ng iba’t-ibang serbisyong medikal para sa lahat ng Dabawenyos.

Dagdag pa ng former three-termer lawmaker ng unang distrito ng naturang lungsod, ang public health care programa ay hindi lamang ang pagkakaroon ng ospital at iba pang pasilidad bagkus ay pagtitiyak na sa lahat ng oras ay mayroong maaasahang serbisyo para sa kanilang kalusugan ang mga mamamayan.

Ayon kay Nograles, na dati ring naging chairman ng Civil Service Commission (CSC), maraming lugar sa Davao City ang wala pa ring access sa basic healthcare services. “Maraming Dabawenyo ang kailangan pang bumiyahe dahil walang maayos na health center sa kanilang komunidad, o di kaya napapagastos pa rin kahit sa mga karaniwang sakit dahil kulang sa medisina at iba pang medical supplies ang health facility. Ang mga ganitong expenses ay kayang-kaya sanang saluhin ng City Government dahil marami naman itong pondo.”

Kaya naman inihayag ni Nograles na bilang bahagi ng kanyang public health agenda ay nais niyang maparami ang barangay health station, magtalaga ng mga nurse at midwife, at bumalangkas ng citywide health para matugunan ang iba pang pangangailangan.

Sinabi ni Nograles, na isang abugado, na isusulong din niya ang “prevention and early treatment mindset” sa mga residente ng Davao City

dahil mas mainam na makaiwas kundi man ay maagang makapagpagamot upang hindi lumalala ang sakit.

PUBLIC HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with