^

Police Metro

Palasyo kay VP Sara: ‘Wag maging crab mentality at anay sa lipunan

Gemma Garcia - Pang-masa
Palasyo kay VP Sara: ‘Wag maging crab mentality at anay sa lipunan
Philippine Vice President Sara Duterte applauds during a change of command ceremony at Camp Aguinaldo in Quezon City, suburban Manila on August 8, 2022. Lieutenant General Bacarro is replacing outgoing military chief General Andres Centino, and will be the first military chief to serve a three-year term under a newly signed law.
AFP / Ezra Acayan / Pool

MANILA, Philippines — “Huwag maging anay sa lipunan at crab mentality.”

Ito ang sinabi sa press briefing sa Malakanyang ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang tunay na lider at tunay na Pilipino ay dapat sumusuporta sa kapwa Pilipino lalong-lalo na sa pinuno ng bansa para matupad ng pangulo at ng pamahalaan ang mga aspirasyon para sa taumbayan.

Ang reaksyon ng Malakanyang ay kaugnay sa pahayag ni VP Sara Duterte na ang hakbang ng pamahalaan para sa pagbebenta ng P20 na bigas ay para sa panibagong election promise na maisulong ang kanyang senatorial candidates na manalo at binubudol lang nito ang taumbayan.

Paliwanag ni Castro, matagal na nilang iniisyu na hindi kakayanin ng Pangulo ang aspirasyon ng magkaroon at mag-deliver ng bigas sa halagang P20 kada kilo at ngayon na natutupad ang aspirasyon na ito ay muli silang nagsasalita ng negatibo.

Nilinaw naman ni Castro na kaya ngayon lamang naipatupad ng pangulo ang pangakong P20 kada kilo ng bigas ay dahil pinag-aralan pa ito kung paano maipapatupad kaya dapat magpunyagi at sabihin na isang tagumpay ito ng pamahalaan para sa taumbayan.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with