Magpinsan nagbarilan sa away parking; 1 todas
MANILA, Philippines — Isang magpinsan ang nagbarilan matapos ang mainitang pagtatalo sa parking naganap kahapon ng umaga sa Barangay Bolinawon, Carcar City.
Ang nasawi ay kinilalang si “Tisoy,” 34, habang ang nakabarilan nitong pinsan ay kinilalang si “James” ay nasugatan.
Sa salaysay ng misis ni Tisoy na si Maria, nagsimula ang pagtatalo ng iparada ng kaibigan ni Tisoy ang sasakyan nito sa harap ng tindahan ni James noong Martes,
Nagalit si James at kinompronta si Tisoy na kung saan ay nag-post sa Facebook ang dalawa ng maaanghang na salita.
Kinaumagahan ay lumabas ng bahay si Tisoy nang ito ay bigla umanong barilin si James at kahit may sugatan ay nagawa nitong makaganti ng putok na ikinasawi ng una.
Patuloy ang imbestigasyon ng kaso habang si James ay nakakulong na.
- Latest