^

Police Metro

Magpatupad na ng Safety Adaptation Plan para sa manggagawa - TRABAHO Partylist

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad safety adaptation plan na akma sa kani-kanilang industriya at operasyon dahil maaaring ikamatay ng mga manggagawa ang kasalukuyang temperatura.

Ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumalo na nga sa 50°C o “dangerous level” ng heat index ang temperatura sa kalakhang Maynila at CALABARZON.

Nanawagan ang tagapagsalita ng TRABAHO Partylist na si Atty. Mitchell Espiritu sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong mga employer na magpatupad ng alternatibong work arrangement. Upang matiyak ang pagsunod ng mga manggagawa, hinimok ng tagapagsalita ang mga employer na ipabatid nila na ang mga hydration break na ito ay bahagi ng bayad na oras ng pagtatrabaho. Responsibilidad po ng mga employer na bigyan sila ng sapat at naayon na protective uniform laban sa init at polusyon,” dagdag ng tagapagsalita.

TRABAHO PARTYLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with