^

Police Metro

4 vlogger na sangkot sa fake news, kinasuhan ng NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa
4 vlogger na sangkot sa fake news, kinasuhan ng NBI
Ayon kay Senior Agent Raymond Macorol ng Criminal Intelligence Division, nagkakalat ang mga nasabing vlogger ng mga minanipulang video kung saan ang mga video at mga interview sa mga government official ay ini-splice at pinapalitan umano ng ibang konteksto.
memyselfaneye / Pixabay

MANILA, Philippines — Nagsampa kahapon ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice laban sa apat na vlogger kaugnay ng pagmanipula umano ng mga interview ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Senior Agent Raymond Macorol ng Criminal Intelligence Division, nagkakalat ang mga nasabing vlogger ng mga minanipulang video kung saan ang mga video at mga interview sa mga government official ay ini-splice at pinapalitan umano ng ibang konteksto.

Kabilang sa isinampang reklamo ang mga paglabag sa Anti-Alias Law, Unlawful Use of Means of Publication, at Inciting to Sedition sa mga vloggers na natunton ang lokasyon ng isa sa Saudi Arabia, isa sa United Kingdom, isa sa New Zealand at isa sa lalawigan ng Pampanga.

Aniya, ito ay ang mga binanggit ni NBI Director Judge Jimmy Santiago na kakasuhan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpapakalat ng maling balita, at kapag may inilabas nang warrant of arrest ay saka sila aarestuhin.

Nakikipag-ugnayan na ang NBI sa mga otoridad sa ibayong dagat at sa loob ng bansa para sa pagsusulong ng legal na aksyon at posibleng pagdakip sa mga ito.

Ang NBI ay nanganga­lap din ng karagdagang ebidensya laban sa iba pang indibidwal na umano’y sangkot sa pagkalat ng disinformation.

Kasabay nito, nagpaalala si Macorol sa publiko na ang pagsi-share ng nasabing fake news video ay mahaharap din sa kaso.

FAKE NEWS

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with