^

Police Metro

Bong Go, pinuri habag, malasakit sa mahihirap ni Pope Francis

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng ma­tinding kalungkutan si Senator Christopher “Bong” Go sa pagpanaw ni Pope Francis.

Pinarangalan ng senador ang yumaong Santo Papa bilang isang pandaigdigang simbolo ng kababaang-loob at gabay na liwanag para sa mga nag­lilingkod sa marginalized.

At bilang isang Katoliko rin po, ako po’y masyadong nalulungkot,” ani Go.

Nakiisa si Go sa pandaigdigang komunidad sa pagdadalamhati at hi­nimok ang mga Pilipino na kumuha ng mga inspirasyon sa buhay at mga turo ng yumaong Santo Papa.

Binigyang-diin niya ang malalim na pagmamahal ng mga Pilipino para sa Papa.

Inilarawan niya si Pope Francis bilang “isang malaking simbolo ng pagpapakumbaba at simpleng pamumuhay.

Binigyang-diin ni Go ang palaging panawagan ng Santo Papa na iangat ang mahihirap.

Inilarawan din niya ang yumaong Santo Papa bilang isang simbolo ng kapayapaan at paglilingkod.

Pumanaw si Pope Francis noong umaga ng Abril 21, 2025, sa edad na 88.

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with