26 lugar nasa danger level heat index – Pagasa

MANILA, Philippines — Nagtala kahapon ng danger level heat index ang may 26 na lugar sa bansa dulot pa rin ng mainit na panahon ng summer season o tag init.
Ayon sa Pagasa, nagtala ang synoptic station sa San Ildefonso, Bulacan na may heat index na hanggang 46°C.
Gayundin ang Laoag City, Ilocos Norte Bacnotan, La Union Calayan, Cagayan Casiguran, Aurora Iba, Zambales TAU Camiling, Tarlac Hacienda Luisita, Tarlac City Coron, Palawan San Jose, Occidental Mindoro Masbate City, Masbate CBSUA-Pili, Camarines Sur BIA-Daraga, Albay Catarman, Northern Samar Zamboanga City at Zamboanga Del Sur.
Ayon sa Pagasa, ang danger heat index o ang init factor na nararamdaman ng isang tao sa katawan na nasa 42°C hanggang 51°C heat index ay nasa “danger” category na maaaring magdulot ng heat stroke.
- Latest