^

Police Metro

Political party lider binaril sa mukha, utas

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 40-anyos na lalaki nang barilin sa mukha ng hindi nakilalang motorcycle rider sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lorenzo Ofalsa, may-asawa, residente ng Pandi Residence 3, Brgy. Mapulang Lupa at isa umanong political lider sa lugar.

Nabatid na ang suspek ay nakasuot ng blue helmet, bonet, blue hoodie jac­ket, maong shorts, tsinelas at sling bag.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-8:30 ng gabi sa Phase 4, Pandi Residence 3, Brgy. Mapulang Lupa.

Lumalabas sa report, binaril ng suspek sa mukha ang biktima at mabilis na tumakas sa direksyon patungong Phase 1.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kaugnayan sa pagi­ging lider nito sa pulitika sa kanilang lugar.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with