2 college student pinatay sa milk tea shop
MANILA, Philippines — Dalawang 20-anyos na college student ang nasawi matapos pagbabarilin sa loob ng isang milk tea shop sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.
Kinilala ang mga nasawing biktima na pawang college student na sina Rey Allen Nevado De Jose, residente ng Brgy. Muzon East; at Jeric Castillo, 20, ng Brgy. San Isidro.
Sa report ng pulisya, bandang ala-1:00 ng tanghali ay nakaupo sa loob ng milk tea shop sa Brgy. Paradise at inaantay ang order nang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng jacket na itim, maong short at tsinelas at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima.
Dead-on-the-spot si Rey Allen habang naisugod sa ospital si Jeric, subalit binawian din ng buhay.
Agad rumesponde sa lugar ang pulisya at nangalap ng CCTV footage sa lugar, nagsagawa ng follow-up investigation at dragnet operation para mahuli ang suspek na isang alyas “Randy”.
- Latest