Lalaki nasawi sa sunog, ina dinala sa ospital
MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 40-anyos na mister habang isinugod naman sa pagamutan ang ina nito matapos tupukin ng apoy ang kanilang tahanan sa Olongapo City, Zambales, nitong Lunes ng gabi.
Sa report ng Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog bandang alas-11:34 ng gabi sa Brgy. West Bajac-Bajac, Olongapo City.
Sa imbestigasyon, ang sunog ay nagsimula sa ikalawang palapag ng nasabing tahanan na idineklarang under control bandang alas-11:50 ng gabi.
Hindi naman natukoy sa inisyal na ulat ang pangalan ng nasawing biktima habang ang ina nito ay isinugod sa pagamutan sanhi ng ‘smoke inhalation’.
Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ang kasong ito at inaalam na rin kung magkano ang pinsalang nilikha ng naganap na sunog.
- Latest