^

Police Metro

Epileptic, sinumpong sa lawa, nalunod

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalunod ang isang babaeng epileptic matapos na sumpungin ng kanyang karamdaman habang naghuhugas ng paa sa lawa sa Binangonan, Rizal kamakalawa.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na ‘Lyn’, 26, at residente ng ­Binangonan.

Batay sa ulat ng Bina­ngonan Police Station, nabatid na dakong alas-8:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Pritil Port, sa Brgy. Libis, Binangonan.

Ayon sa kapatid ng biktima, na siyang nag­report sa pulisya ng insidente, bago ang pangyayari ay umalis ng kanilang tahanan ang kapatid, alas-5:00 ng madaling araw at nagtungo sa naturang lugar upang mamulot ng mapapakinabangang basura.

Hinala nito na posibleng sinumpong ng epilepsy ang kapatid habang naghuhugas ng paa sa lawa, na nasa tabi ng pantalan, na nagresulta upang malunod ito.

NALUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with