^

Police Metro

Pope Francis, pumanaw na sa edad 88   

Mer Layson, Malou Escudero - Pang-masa
Pope Francis, pumanaw na sa edad 88         
Pope Francis waves from the central loggia of St. Peter's basilica during the Easter 'Urbi et Orbi' message and blessing to the City and the World as part of the Holy Week celebrations, in the Vatican on March 31, 2024.
AFP/Tiziana Fabi

MANILA, Philippines — Pumanaw na kahapon si Pope Francis sa edad na 88.

Ayon sa Vatican News pumanaw si Pope ­Francis sa kanyang tahanan sa Casa Santa Marta ng Vatican.

Inihayag ni Cardinal Kevin Farrell, ­Camerlengo ng Apostolic Chamber, dakong alas-9:45 ng ­umaga ang pagkamatay ni Pope Francis.

Ang Papa ay na-admit sa Agostino Gemelli ­Polyclinic Hospital noong Biyernes, Pebrero 14, 2025, matapos ­dumanas ng bronchitis sa loob ng ilang araw.

Ayon pa sa ulat, ­lumala ang sitwasyon ni Pope Francis, at na-diagnose ng kanyang mga doktor ang bilateral pneumonia noong ­ Pebrero 18.

Matapos ang 38 araw sa ospital, ­bumalik ang yumaong Papa sa ­kanyang tirahan sa ­Vatican sa Casa Santa Marta upang ipagpatuloy ang kanyang paggaling.

Sinabi rin ng Vatican News na noong 1957, nasa 20s, pa lamang si Jorge Mario Bergoglio, ito ay sumailalim sa operasyon sa kanyang bansa sa Argentina upang alisin ang isang bahagi ng ­kanyang baga na naapektuhan ng isang matinding impeksyon sa paghinga.

Napaulat din na ­sinabi ni Arsobispo Diego ­Ravelli, Master of Apostolic Ceremonies, hiniling ng yumaong Pope Francis na pasimplehin ang ­funeral rites at ituon ang pansin sa pagpapahayag ng pananampalataya ng Simbahan sa “Risen Body of Christ.”

Agad namang nagpahayag nang pakikidalamhati ang ilang senador sa pagpanaw ni Pope Francis.

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with