^

Police Metro

Insidente ng pagkalunod, sunog noong Semana Santa, tumaas – PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Insidente ng pagkalunod, sunog noong Semana Santa, tumaas – PNP
People visit the site where the re-enactment of the crucifixion of Jesus Christ will take place during Holy Week celebrations in San Fernando, Pampanga province on April 4, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Phi­lippine National Police (PNP) ng 120 na insidente ng pagkalunod, sunog, vehicular accident at iba pa ngayong 2025 Semana Santa.

Base sa datos na inilabas ni PNP Public Information Office chief Police Col. Randulph Tuaño, mula April 13 hanggang 21 ay mayroong kabuuang 120 insidente ang namonitor sa buong bansa, mas mataas ng 36 na insidente o 43 porsyento kumpara ng nakaraang taon na mayroong 84 lamang na insidente ang naitala.

Pinakamalaking itinaas ang insidente nang pagkalunod na nakapagtala ng 64 na kaso ngayong Semana Santa 2025, mas mataas ng 21 kaso o 49 porsyento mula sa 43 kaso noong 2024.

Habang ang sunog naman na mayroong 3 kaso lang noong 2024 ay pumalo naman sa 15 insidente ngayong 2025 o 400 porsyentong pagtaas.

Habang bumaba naman ang kaso ng vehicular accidents na nagtala lamang ng 14 na kaso ngayong Semana Santa 2025 kumpara sa 17 kaso noong nakaraang taon.

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with