Higit 57K voters, pinahintulutan na makaboto sa LAV
MANILA, Philippines — Pinahintulutan ng Commission on Elections (Comelec) ang mahigit sa 57,000 voters na makasali sa idaraos na local absentee voting (LAV) para sa 2025 National and Local Elections (NLE).
Sa datos na ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa Viber, kabuuang 57,689 LAV applications ang inaprubahan nila para sa midterm polls.
Sa naturang bilang, 1,005 ang media personnel; 29,030 ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang ang Philippine Army (PA), Philippine Air Force (PAF) at Philippine Navy (PN) habang 23,448 ang mga miyembro naman ng Philippine National Police (PNP).
Mayroon din namang 4,206 na kawani ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, kabilang na rito ang Comelec, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine Coast Guard (PCG).
Ang voting period para sa absentee voters ay idaraos mula Abril 28 hanggang sa Abril 30, 2025 sa mga lugar ng mga requesting offices.
- Latest