^

Police Metro

Bong Go una pa rin sa 2025 senatorial race - SWS

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nananatili si reelectionist Senator Bong Go sa nangungunang senatorial bet para sa 2025 midterm elections, batay sa commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) ngayong Abril.

Ang survey na inis­ponsoran ng Stratbase Consultancy, ay nagpakita na si Go ang No. 1 sa listahan ng 12 potensyal na mananalo para sa mga senador sa May 12 elections.

Nakuha niya ang 45% ng mga respondent na nais siyang iboto o ibalik sa Senado. Ang survey ay isinagawa noong Abril 11-15, 2025, at gumamit ng face-to-face interview sa 1,800 rehistradong botante na may edad 18 pataas, sa buong bansa. Mayroon itong sampling error margin na ±2.31% para sa pambansang porsyento, ±3.27% para sa Balanse Luzon, at ±5.66% bawat isa para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

“Nakawawala po ng pagod ang inyong ­patuloy na suporta sa aking pagseserbisyo saan mang bahagi ng bansa—Luzon, Visayas, at Mindanao,” sabi ni Go.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with