^

Police Metro

Turistang Koreano nanlaban sa holdap, utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Korean national ang nasawi matapos na pagbabarilin ng riding-in- tandem na mga holdaper nang ito ay nanlaban naganap sa Korean Town sa Brgy. Anonas, Angeles City, Pampanga nitong Linggo ng Pagkabuhay.

Sa report ni Angeles City Police Director P/Col. Joselito Villarosa Jr., kinilala ang nasa­wing biktima sa apelyido ­lamang nitong Kim.

Ayon kay Villarosa, naitala ang krimen sa kahabaan ng Fil-Am Friendship highway, Korean Town, Brgy, Anonas ng lungsod bandang ala-1:50 ng hapon.

Base sa imbestigasyon ang biktima ay nakatayo sa harapan ng isang ­bangko sa lugar nang lapitan ng dalawang ­riding-in-tandem na holdaper na lulan ng Yamaha Nmax motorcycle.

Agad na nagdeklara ng holdap ang backrider pero pumalag ang biktima  habang hinahablot ang kaniyang bag kaya binaril ito ng suspect na nasapul sa kaniyang katawan.

Mabilis na ­nagsitakas ang mga holdaper ­matapos na duguang bumulagta ang Koreano na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay idineklara na itong dead-on-arrival.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with