Higit 2,500 katao, arestado sa election gun ban

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 2,500 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa election gun ban, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Base sa pinakahuling datos ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC), mula Enero 12 hanggang Abril 19, ay umaabot na sa 2,529 ang gun ban violators na kanilang naaresto.
Sa naturang bilang, 18 ang mga personnel ng PNP; 14 ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 12 ang foreign nationals, at 2,418 ang sibilyan. Nabatid na nakumpiska mula sa mga violators ang nasa 2,603 firearms.
Sa naturang bilang ng mga armas, 2,350 ang maikling armas, 55 ang light weapons, 27 ang airsoft, 101 ang replicas, 60 ang pampasabog at 9,451 ang ammunition.
- Latest