^

Police Metro

PNP pinuri ng Kamara sa mabilis na pag-aresto sa mga kidnaper ni Que

Joy Cantos - Pang-masa
PNP pinuri ng Kamara sa mabilis na pag-aresto sa mga kidnaper ni Que
Members of the Manila Police District (MPD) prepare for deployment at their headquarters in Ermita, Manila on January 3, 2025.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Philippine National Police (PNP) sa mabilis na pagkakaaresto sa mga suspek sa brutal na pagpaslang sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que at kaniyang driver.

Ani Romualdez, ang mabilis na aksyon ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni PNP chief Gen. Rommel Marbil ay pagpapakita ng commitment ng administrasyong Marcos sa agarang pagkakaloob ng hustisya at pagbibigay proteksyon sa publiko laban sa anumang uri ng krimen.

Ayon kay Romualdez, pagpapakita ito na umiiral ang rule of law sa bansa.

Nagpasalamat din si Romualdez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa suporta nito sa PNP.

Ani Romualdez sa ilalim ng kasalukuyang admi­nistrasyon, ang mga kriminal ay tiyak na pananagutin sa batas.

Una nang iniharap sa media ng PNP ang mga suspek na kinilalang sina Ricardo Austria David, Raymart Catequista at David Tan Liao na ngayon ay nasa kostodiya ng PNP Anti-Kidnapping Group.

Sumuko sa mga otoridad si Liao na isang Chinese national at inamin ang pagkakasangkot sa krimen.

Ang dalawa pang suspek ay naaresto sa operasyon ng pulisya sa Palawan.

Si Que at kaniyang driver na si Armanie Pabillo ay napaulat na nawawala noong March 29 matapos umalis sa kaniyang opisina sa Valenzuela City.

Kalaunan ay natagpuang patay ang dalawa sa Rodriguez, Rizal.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibilidad na may kaugnayan sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang insidente.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with